Saturday, March 27, 2010

Oh the Liars . . .

Ay talaga naman kung wala kang magawa sa buhay mo.. Pati pag-threaten sa sarili mong anak kinalimutan mo.. At ako pa sinungaling ngayon.. Eh totoo naman sinabi mo talaga yun.. Di ko lang alam kung bakit parang na-amnesia ka ata at bigla na lang sinasabi mong wala kang sinabing ganun..
Oo nga naman, sinuportahaan mo pag-aaral ko, binigay mo mga kailangan ko.. pero di ko naman kailangan ng mga "LUXURY" na tinatawag mo kung luxury nga ba yon.. ano kailangan ko? yung tatay na naiintindihan ako..
Kasi bilang tatay, ikaw higit sa lahat ang pinaka-unang lalake na pinagkatiwalaan ko ng buhay ko.. Pero salamat sa mga pagbugbog mo sakin at sa pagbalewala ng mga ginagawa ko para lang masabi mong magaling ang anak mo.. SALAMAT HA?!
Salamat at naging Dean's Lister ako (your reaction: "eh ano naman ngayon?"). Salamat at naka-graduate ako at hawak ko na diploma ko (your reaction: "itapon mo na nga yang diplomang yan.") Salamat, ramdam na ramdam ko dun yung pagka-proud mo sakin.. Sana maibalik ko sayo yung pakiramdam..
Wag mo sabihing clueless ka kung bakit ako ganito ngayon. Salamat sa guidance mo, ganito ko ngayon.. Wag mo ko sumbatan dahil di ako humingi ng kahit anong alam kong di naman pwede..
Mabuti pa si mommy napaka-supportive sakin.. bakit kaya hirap na hirap ka gawin yun? pwede naman siguro kahit konti diba?
Tapos ngayon na may isang tao na proud sakin at nag-aalaga sakin, ang gusto mo wag ako dito? Para ano? Para tuloy-tuloy lang na sumbatan at ikahiya mo ko? Wag na.. I've had enough.. Itinakwil mo na rin lang ako, di na lang ako magpapakita sayo.. Malapit na ko manganak.. Magfofocus na lang ako na mahalin ang anak ko, di katulad ng ginagawa mo sakin.. Good Luck na lang sa travel-tour nyo sa iba't ibang lugar.. At salamat din pala sa pag-sisi sakin sa mga nangyayari sa kapatid ko ha? Fine.. Kasalanan ko na lahat yun.. Kasalanan kong malapit na ma-kick lout ang isa at nag-stop sa pag-aaral yung isa pa.. Oo, eh hawak ko mga kilos nila eh, NOH??

No comments:

Post a Comment