I don't really mean to call her achay, pero sobra kasi talaga yung mga ginagawa nya.. At wala akong maisip na itatawag sa kanya kundi achay.. kung ayaw naman nya ng ganun, ADOBE na lang.. Tutal, kasing kapal yun ng mukha nya..
_
Eto kasi kwento nyan . . .
>>2months ago: may kasambahay kami (tawagin na lang natin syang manang..).. Masipag, mabait, matanda na pero magaling sa mga gawaing bahay.. Lagi ako sinasamahan magluto, tinuturuan din ako ng konting tips sa pagbubuntis (7months pregnant ako that time..).. Sobrang maaasahan mo naman.. Kaso, na-dedz ang hubsy nya sa province kaya kailangan nya umuwi muna.. Syempre payag kami.. Babalik naman daw sya eh.. At maglalagay sya ng kapalit muna nya habang wala sya.. Dito na pumasok si ADOBE..
_
Kala mo kung sinong ang galing galing sa gawain.. Kung pintasan nya yung crew namin sa business namin, kala mo mas kaya nya gawin yung trabaho.. Pero dahil nga di pa namin kilala yung mga kaya nya gawin, eh di under observation muna sya..
1st day: Ang usapan, babalik sya ng 5:30am kinabukasan dahil kailangan nya ipagluto ng breakfast at ipagplantsa ng uniform c (itago na lang natin sa pangalang:) Juan (kapatid ng hubsy ko).. Paalis na si manang, sasabay na daw sya palabas.. Eh di pinabaunan namin si manang kahit konting pamasahe man lang at mga pagkain na pasalubong sa pamilya nya sa probinsya.. At ang nakakatawa, naki-hingi si Adobe.. (eh baka naman kasi nagutom din, binigyan ko na din ng kaunti)
_
2nd day: Maaga ako nagising.. 5:30am . . . hinintay ko may mag-doorbell.. wala.. 6:00am . . . naghihintay parin ako.. wala parin.. Eh di bumangon na ko para magluto.. dumating sya, 6:45.. Kung kailan paalis na si Juan at naayos ko na lahat.. At dahil nga paalis na si Juan, at wala na din sya lulutuin dahil naluto ko na, nag-kape si Adobe.. (ako di pa kumakain o umiinom ng kahit ano)Back to bed ako pagka-alis ni Juan.. Pero gising na din pala hubsy ko kaya kumain na lang kami.. Tapos nag-lakad lakad ng kaunti.. Nagdilig si Adobe, at AYOS, DI MAN LANG NYA PINUNASAN ANG BALKONAHENG BASANG BASA NG TUBIG.. eh kung madulas ako dun at may masamang nangyari sa baby ko, kaya ba nya bayaran yun ng sweldo nya??? Well, done with that.. (past na..) AFTERNOON: nagsaing sya at nagpaalam na.. dahil di sya pinayagan ng asawa nya na mag-stay-in.. Babalik na lang daw sya bukas ng umaga.. At pati ang ulam, ipinag-paalam.. Iuuwi na lang daw nya kasi baka wala pang pagkain sa bahay nila.. (ibinigay ko ang ulam na ayaw ng hubsy ko)
_
Kinailangan namin ng bagong crew sa business namin.. Nagpahanap kami sa kanya ng pwede.. Naka-hanap sya kaso naunahan ng assistant ng biyenan ko.. Kaya ang ginawa na lang sa nakuha nya (itago natin sa name na SMILEY), pinag-stay-in namin dito.. in short, dalawa na ang kasambahay namin.. Sabi kasi ng biyenan ko, kailangan din naman daw dahil kulang na ng 1month, manganganak na ko.. di kakayanin ng isa lang ang lahat ng trabaho..
***time went by***
_
Hindi na sya nagpapa-alam pag pauwi na sya, kinakain nya halos lahat ng laman ng ref namin, iniuuwi nya ang lahat ng maiwang ulam sa ref, di sya naghuhugas ng pinggan ng maayos, iniiwan lahat ng trabaho kay Smiley, bingi pag tinawag mo, di tumutulong magluto, utos lang ng utos kay smiley..
_
Si Smiley . . . nasa probinsya ang pamilya.. Di nya ma-kontak ang nanay nya kaya kailangan nya ng celfone.. Nakiusap na yung sweldo nya, celfone na lang.. Kahit anong klase basta kaya mag-text at tumawag.. Pinagbigyan naman syempre.. Sweldo nya yun eh.. At nakita ni Adobe ang celfone.. ANG SABI BA NAMAN, SYA DIN DAW MAGPAPABILI NA NG CELFONE SA AMIN.. at ang gusto, EXPRESS MUSIC.. P***.. EXPRESSMUSIC?!! ako nga E250 lang ang celfone..
_
KUNG DI BA NAMAN TALAGANG MAKAPAL PA SYA SA ADOBE..
_
Dapat na syang mapalitan.. Kaso, may mga utang pa sya samin ng hubsy ko.. Kailangan mabayaran na muna nya lahat bago namin sya tanggalin..
No comments:
Post a Comment